Ginawa at Sinulat ni Rizal
Narito ang ilang akda ni Dr. Jose Rizal
1. Liham sa Kababaihan ng Malolos
Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noog 1889, ipinahahayag ni Jose Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon – isang di-karaniwang hakbang para sa maraming kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal , namulat siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan. Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-iisip. Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan – bilang dalaga at asawa – sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais-nais na gawain ng mga prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon. Ang payo ni Rizal ay "mulatin ang mata ñg anak sa pag-iiñgat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulit-uuliting matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang buhay".
2. Ang katamaran ng mga Pilipino
Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi n’ya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko. Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na “Indio”. Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring ito ay isa sa mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng relihiyon.
3. Noli me Tangere
Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang latin na ang ibig sabihin sa tagalog ay “ Huwag Mo Akong Salingin” na halo sa ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok na lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng kanyang pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon Ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang unang bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng “Noli Me Tangere” ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa “Uncle Tom’s Cavin” ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
Inilarawan dito ang Iba’t-ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing nya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula,binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsusulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli”. Ang lahat ng ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

4. El Filibusterismo
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga ideya ng nobela.

5. Ang Huling Paalam
HULING PAALAM
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.
Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Sources:
http://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/13/katamaran-ng-nga-pilipino-ayon-kay-rizal/
http://joserizal.nhcp.gov.ph/Writings/Other/malolos_tagalog.htm
http://rraarraappoottss.blogspot.com/2011/09/my-reaction-paper-for-el-filibusterismo.html
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/huling-paalam-ni-rizal.html